Mall Trip (=

YAY! Dahil sa walang magawa, dahil sa gusto kong umalis ng bahay, dahil sa kailangan kong bumili ng costume para sa pictorial, dahil sa gusto ko manuod ng live, napadpad kami ni Jill sa Cubao. Kaming dalawa ay parehas na walang magawa, mga tamad gumawa ng requirements, basta lahat lahat na! So nasa Cubao kamiiii. At sa isang kamalasan, hindi namin naabutan ang dapat namin maabutan. Sayang. Kaya para hindi masayang ang lakad, inaliw namin ang aming mga sarili (: Nag-mallSSSS kami. Lahat ng malls ng nasa Cubao, napuntahan at nalibot namin. Yung iba, ilang beses pa namin binalikan! Hmmmm. May mga hinahanap kasi kaming mga bagay-bagay :D At ayun, nahanap naman namin ito.

Late kaming nakauwi, hindi na namin namalayan ang oras. Lakad dito, lakad duon, sukat dito, sukat duon, jusme! Nung nasa LRT na kamiiii, sa sobrang bangag na ni Jill, bigla niyang napulot ang hindi napupulot *okay, ianalyse* HAHA sabay tawa kami ng malakas nung nagkatinginan kamiiii. Haaaaay. Nakakatawa kasi talagaaaaaaaa. Anyway. Enough. To much info na.

Tagged as: malls,   XD,   bangag,   malling,   Sukat,   lakad,